‘Hindi na kita mahal’

Alam ko hindi na kita
mahal —
Dahil lumipas na ang
oras para sa ating
dalawa.
Hindi ko na maalala
kung gaano kalakas ang
mga tawa sa tuwing
magbibiro ka;
Nakalimutan ko na kung
hanggang saan umaabot
ang ngiti sa mga labi
kapag kausap ka

Kaya alam ko, hindi na
kita mahal —
Dahil hindi ko na pinipilit
alalahanin ang mga oras
na pinakamasasaya;
Dati rati, memoryado ko
ang bawat sandali na kapi-
ling ka; alam na alam
ang bawat linya, ang tono
ng bawat salita, kada
galaw at pagtitig sa
aking mga mata

Oo naman hindi na kita
mahal —
Jusko, ilang taon na ba?
Tatlo, lima, pito?
Magpipito na!
Pitong taon na simula nang

teka, hindi ko na
rin mailarawan kung saan o
kailan ko ba unang siniguro
na oo nga, espesyal, hindi
lang ito paghanga

At kung hindi ka pa
kumbinsido; hindi na kita
mahal —
Tara halika dito, ipapakilala
ko siya sayo

Hindi na,
Hindi na,
Dahil kaya ko nang
magmahal ng iba;

Hindi na,
Hindi na ako takot na baka
dahil wala ka na, dahil
lumipas na ang panahon
para sa ating dalawa —
kaya mahal ko siya
Hindi na,
Hindi na dahil sa kawalan
mo kung bakit may
pumupuno nito;
pangako
Pero alam mo,
sa tuwing darating ako sa
dulo,
Sa tuwing may mga luha
sa matang tumutulo;
mga alaala mo pa rin
ang sumasalubong;
naghihintay;
binabalikan

walang papantay
sa unang pakiramdam;
kahit hindi mo ito
naramdaman,

kahit ako lang,

kahit hindi mo ako
minahal

Kaya sasabihin
kong hindi na kita
mahal; pipikit;
paulit-ulit,
hanggang sa balang
araw mabura na
ang lahat ng
damdaming nakaukit

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s